Tuesday, September 1, 2009

Ang kabtaan noon sa kabataan ngayon

Naniniwala si Gat. Jose Rizal na ang mga kabataan ang pag asa ng bayan, ngunit sa panahon ngayon unti unti na yata lululubog ang paniniwalang iyon:dahil ba sa mga impluwensya?:maaring dulot ng media at barkada.Kung hindi mamasamain ng mga kabataan,aking ikukumpara ang mga kabataan noon sa kabataan ngayon.Ang kabataan noon ay higit na may takot sa kanilang mga magulang sa mga autoridad lalo na sa Diyos,pagdating naman sa fashion taste may mga kabataang gusto ng mga daring na damit meroon namang gusto ng emo style at gangster na pananamit.Maaring nag iba na nga ang mga kabataan pagdating sa mga iyon,masasabi ko na ang kabataan ngayon pagdating sa magulang ay rebelde nagagawa nilang maglayas,gumawa ng masama,at aking napansin na ang isang kabataan noon kapag nakakagawa ng mali at nahuhuli siya ay humihingi ng tawad imbes na tumakas.Maraming kabtaan na ang maagang nagkakaroon ng pamilya sa edad na 14 pataas,maari itong maiwasan kung susunod lamang sa kani kanilang magulang at magtapos muna ng pagaaralpara sa magandang kinabukasan pero hindi mas pinipili nilang gawin ang gusto nilang gawin marami ring kabataan ang nalululong sa mga masamang bisyo dulot ng problema nariyan na ang alak,sigarilyo at shabu o droga.Naniniwala ako na kug walang magbebenta ay walang bibili.Ang masasabi ko lang sa mga kabataan magbasa kayo ng BIBLIA dahil makakatulong ito sa inyo,mahihikayat kayong pumunta sa tamang landas at laging aalalahanin ang Colosas 3:20 na nagsasabing"Mga anak sundin ninyong lagi ang inyong mga magulang spagkat ikinalulugod iyan ng panginoon".tanging ang Diyos ang makakapagpabago sa buhay ng tao.ANG SUSI SA TAGUMPAY AY SA TULONG NG DIYOS AT ANG INYONG MGA MAGULANG..